The Chronicles of Norris Skip to content

Kung puwede ko lang i-detalye mga nangyari sa nakaraang mga buwan, baka maging pang MMK/Tulfo ang post na ito. Sabihin na lang natin na I fell off the face of the earth at medyo ~challenging~ to crawl back. May sense ba 'yon? Siguro ang takeaway na lang natin sa lahat ng ito ay...buhay pa naman sequioa.

Ilang araw nang flooded ang social media feed ko ng pictures na gawa sa Lensa. Kung hindi ka pa aware kung ano ito, isa siyang phone app na gumagawa ng AI art based sa photos na isasubmit mo. Dahil nga trending, sumabay na dumagsa ang articles tungkol sa data privacy, capability ng AI pati na rin ang effect nito sa users. Hindi naman ito ang focus ko sa chika ko pero bilang naging empleyado ng isang media tech company, I got to familiarize myself sa extent ng maaaring paggamitan ng activity natin online. So siguro ang mabibigay kong takeaway ay maging responsable tayong netizens at matutong magbasa ng mga privacy policies.

Ito ay kabaligtaran ng ginawa ko at tuluyan na nga akong nagpabudol sa Lensa. Hahaha! Apparently, kailangan mo palang magbayad para makagawa ng 'Magic Avatars'. Siyempre dahil may tendency tayong magkaroon ng FOMO, inavail na rin natin. Saka sa totoo lang, cool naman kasi talaga kaya mahirap hindi matempt mga dzai.

Wala naman akong planong ipa-print at ipa-frame itong mga nakuha kong resulta kaya just like everyone else, i-flex ko na lang din. I find the results quite amusing pero gets ko kung bakit may naiinis. But for the sake of entertainment, more playtime na lang tayo at i-evaluate natin yung best at worst (at least sa kaya kong i-post online hahaha). The pack I got is categorized into multiple art themes/styles so i-breakdown natin:

Mystical - BEST

Para tayong ano dito, magulang ng bida sa teleserye.
I was wearing glasses for most of the photos I submitted, pasenysa na. Bet ko lang yung outfit, ganyan.

Mystical - WORST

Para tayong Breaking Bad pero nasa Engkantasya?
I mean...I don't hate the photo. Medyo parang hindi ko lang bet yung vibe. Parang ayaw ko siyang pagkatiwalaan? Charot.
...continue reading "Lensa – hopping on the trend train"

(Gaiz, 2 days in a row! Record breaking 'yan for me pero kumusta naman kung gaano kababa ang bar ano?)

Na-share ko na ito recently pero for the sake of "content", i-chika ko na lang din dito. Alam niyo bang never pa akong nakapunta sa isang "proper" na concert tipong you-paid-for-a-seat levels? Hindi ko talaga siguro fully gets yung appeal ng pag-attend sa isang ganap na maraming tao at noon pa lang kahit wala pang pandemic e pinapractice ko na ang pagiging social distancing. Charot! Earliest memory ko na may concert akong napuntahan e may event dito sa bayan namin tapos nandoon si Ice Seguerra. Kasama ko pa mga magulang ko noon tapos napakalayo namin sa stage dahil sa dami ng tao. Ramdam mo yung linyang "alam kong hindi mo pansin, narito lang ako." Hahaha! Ang naaalala ko na lang after niyan e yung mga libreng pa-concert sa university pero dahil nga mas passionate yung ibang students, nasa likod lang kami ng mga kaibigan ko either nagchichismisan or kumakain. Closest na siguro (and close encounter talaga) yung nag-work ako sa isang ahensya as a copywriter pero dahil ako naman ang nagsulat ng script, jumoin na rin ako as floor/stage assistant sa isang event ng Talk 'N Text.

Mga beh, nakita ko talaga nang malapitan si Marian Rivera! Imagine, lapot na lapot ka tapos need mo siya i-assist pumasok sa stage kasi nagagalit na si Direk. Hahaha! May iba pang artists and performers at the time (makapagkalkal nga ng pictures soon!) pero grabe talaga yung pagkastarstruck ko kay Marian noon. Ang masasabi ko lang ay happy at interesting na experience ang pag-eevents pero ibang level ng energy ang nirerequire niya kaya ang realization doon ay hindi siya para sa akin. Hirap man i-achieve, love ko matulog. Haha!

Anyway, before pa maging puro backstory ang entry na ito, nababad ako sa social media kagabi at nabalitaan ko ngang pumunta dito ang Enhypen at ang daming hot takes ng mga tao sa mga naganap sa airport. Siguro ang unsolicited opinion ko rito ay may degrees kasi talaga ang pagka-fan lalo na kung K-pop? Speaking of, ngayon nga masama pa rin ang loob ko kasi hindi ako nakabili ng tickets para sa concert ng Blackpink. Ito pa man din yung plano ko para masabing makakaattend na ako ng concert for the first time.

Kating-kati talaga ako that time. Dahil sa frustration, sumilip na rin ako ng ibang concerts na possible mapuntahan. Kung may Enhypen sila, meron akong Backstreet Boys! As a 90s kid, 'yan talaga ang tugtugan na at some point in my life ang naging nickname ko sa schoolmate ko e 'Boyband'. Pero waley, ubos ang ticket! Tinry ko na rin umakyat ng age bracket kasi may Air Supply pero jusme, ubos din! May nakita akong available seats sa concert ni Conan Gray pero parang hindi ko rin mapangatawanan kasi baka magmukha lang akong chaperone/tito nung ibang attendees. Hahaha! Susubukan kong bumili ng ticket ng Mamamoo mamaya pero kung wala talaga, baka sign talaga ito na hanggang Team Bahay lang tayo. That is unless...beke nemen!

Dahil nabanggit na rin naman si Conan Gray, gusto ko lang i-share kung ano ang resulta ng Spotify Wrapped ko.

HAHAHA. Hindi mo kaya! Bagets 'yarn, Norris? Magtataka pa sana ako kung bakit nasama si Tita Whitney pero narealize ko 'pag mag-isa pala ako sa sasakyan more kanta pala ako ng One Moment In Time.

At dito na nga nagtatapos ang post na ito. Hanggang sa susunod. Manalig kayong I will be, I will be free~!

Once upon a time, isa sa aking coping mechanisms ay isulat kung ano ba ang naiisip at nararamdaman ko. I used to keep a diary pero overtime kinatamaran ko na rin kasi nga medyo hassle naman kung super bura ka lang 'pag hindi mo bet kung paano mo siya winord kahit alam mo namang ikaw lang din naman ang makakabasa. Hindi tulad sa blog na ganito, may option ako na i-revise, magdelete, as in walang touch move. Saka as an occasional pampam, I find entertainment when I get to interact with friends/strangers who can relate to my thoughts. Operative word ang occasional since I don't usually share links to my page. Kung may matisod at makarating dito, surprisa na lang, ganyan.

Magtutunog old-timer pero this "era" of the internet sometimes bothers me. Nagsimula ako from "Hala, baka may mali/pangit akong masulat." to "Naku, dapat pa bang i-share ito? Baka makita ito somewhere." (Believe me, some people stalk you online.) This is the reason why I don't share much stuff online. In short, praning lang pala kasi baka hindi nakakaganda ng imahe. Charot!

But I found myself spending a little me time and looking back how stressful this week was. Hanggang sa umabot na ako sa months and finallly umabot na ako sa naging journey ko this year. Self-reflection and realization levels! Tamang-tama ano, Disyembre na tapos mangchacharot na naman tayo sa New Year's Resolution!

Siguro magsimula tayo sa me time na 'yan. Naka-ilang palit na ako ng doktor + may poor attempt to see a therapist this year. May natutunan naman tayo and I think this is why you're able to read this right now. Disclaimer na hindi ako expert but one thing I learned is to reflect kung paano tayo nagrerespond sa thoughts natin. O 'di ba dzai, imbes na maglunod sa alak isinulat ko na lang. Healthier alternative, gano'n! Also justification ko rin 'yan kasi nga ganito na ang Friday night ko. Lipas na ang walwalera phase natin.

Ang dahilan kung bakit ako may intro diyan sa mental health kinesu kasi I really struggled this year. Earlier this year, I lost Zero. Parang first time ko talaga naramdaman yung emotional/nervous breakdown. I was on meds. Ilang taon mo pinag-isipan to commit taking care of a dog and then barely a year later, mawawala sa 'yo. My job at the time had a retrenchment. While I was not laid off, it didn't make sense to me na halos lahat ng katrabaho ko e mawawala so I felt the need to move on as well. Everything was so surreal gumawa pa kami ng playlist. HAHAHA.

After that I also encountered some of the most intense individuals sa workplace. And by intense I mean parang mga pinaglihi sa sama ng loob (not gonna lie parang treading on thin ice na tayo dito hahaha). Tipong paggising nila siguro ang dialogue nila ay "Today ay pipillin kong magalit sa mundo and I'll make sure everyone knows." Need mo na lang i-tune out at i-compartmentalize pero kung hindi ka ba naman talaga rin maloka minsan.

Anyway, kahit hindi masyadong kapani-paniwala, most of the time advocate talaga ako ng kabutihan. Love and light, mga ses. Hahaha. Kaya magbabahagi na lang din ako ng kaunting good news.

Hindi ko sure kung good news ito pero I guess legit na yung #AhensyaLife. I'm working with some of my old colleagues kaya salamat na lang talaga at may kasama pa rin tayong iyak-tawa.

I also got a new dog (a golden retriever) last April! I named him Juno (hulaan mo kung bakit yun ang pangalan). Grabe, nakakaubos ng energy! Pero kahit sobrang playful ang lambing! Kung hindi lang siya talaga dinosaur parang gusto ko rin siyang ilagay sa stroller 'pag namamasyal.

At dahil nabanggit ko na si Juno, narealize kong parang gusto ko na itigil ang post na ito dito nang makapag good night ako sa kanya. Saka medyo marami na rin naman akong chika concerned na nga ako baka manic episode lang ito. HAHAHA. Hanggang sa susunod! Happy weekend!